June 9, 2008
20th birthday ni Aves, 21st naman ni Love. Sabay sila kasi soulmates 'yang dalawang 'yan e.
Kita-kita sa Gateway Fully Booked ng 2PM pero late mga tao kaya yung mga unang dumating, nag-stay na lang sa food express near Wendy's.
1. Aves & Love (unang-una yung celebrants)
2. Omai (yehey! 'di ako yung pinaka-late, mga 2:45 na yan)
3. Shyn (nung nag-text kung nasan na'ko, kala ko naman nandun na sya sa meeting place, kakaalis pa lang pala sa bahay nila haha!)
4. Tinay (galing pang Pagsanjan yan. The best no?)
5. Ecka & Eswan ('di ko alam kung san silang dalawa nag-antayan hehe. Basta sabay sila dumating)
Nag-frosty & fries muna sa Wendy's
MRT to Ayala and then shuttle to Market-Market
Pagdating Market-Market, 'di makapag-decide kung saan kakain kaya naglakad nang naglakad hanggang makarating sa dulo ng The Fort
Nag-coffee sa Starbucks pero ang gusto daw kainin SBARRO kaya sila Ecka, Cess and Love, bumalik all the way to Market-Market para mag-take-out sa SBARRO. Pero marami pa sila dinaanan: hotshots from KFC, garlic bread from Greenwich, muntik pa nga ata mapa-burger sa McDo haha! Nag-cab pa yan pabalik ng Starbucks (napagalitan pa nga daw sila ni manong drayber. Sabi daw ang lapit-lapit lang, nag-taxi pa sila. Eh maglakad ka ba naman mula Market-Market nang may dala-dala na malaking box ng pizza at kung anu-ano pa)
Nagkainan na sa Starbucks
Nag-pictorial all the way to Timezone
Naglaro sa Timezone (games & videoke)
Naglakad na ulit pabalik sa Market-Market
Nagwall-climbing na (Sandugo)
Uwian na :D
Silang anim nag-sleepover sa bahay. Kaya pito kami sa kwarto ko. Di pa rin ako makapaniwala pano kmi nagkasya.
Pero actually, di naman kami natulog. Extension pa rin ng bonding. :)
In the morning, kailangan gumising ng maaga dahil thesis daw ang first class ni Shyn. Kaya lahat kami inapura nya. Tapos si Ecka may exam pa sa ELECOM. Di pa sya nag-re-review. Ako naman punta pa Smart. Kaya ang bilis-bilis namin kumilos naks! Breakfast sa bahay tapos ligo tapos alisan na.
Sobrang saya nito guys! Sa uulitin. Thanks Aves & Espor sa treat. Love ko kayong lahat. Mwah!
No comments:
Post a Comment