Monday, December 22, 2008

Cold day? Wiwi day? Pumili ka

Dec. 17, 2008

Dumating sa office around 7:30AM (salamat kay Jeric) kasi kundi nya ko ginising, half-day nanaman ako dahil 1:30AM na'ko nakauwi dahil sa PSG Christmas party.
Kakapanibago, ang lamig ngayon sa 29/F. Dati-rati kaya ko tumagal dito ng buong araw ng hindi nag-ja-jacket. And as proof na malamig talaga ngayon dito, 'di ko na mabilang kung ilang beses akong umihi. Parang every 5 minutes, wiwi ako. Tayo tuloy ako ng tayo sa station ko. CR ng CR. Yung isang roll ng tissue sa kaisa-isang cube na ginagamit ko (2nd one upon entering the comfort room) ay malapit nang maubos (pero syempre I'm assuming na hindi lang ako ang nag-CCR dun sa cube na yun, kaya hindi po ako ang umubos ng tissue).

Ok, dahil dito, naisip ko i-log ang mga time na tumatayo ako ng station ko para mag-CR. Right now it's 10:43AM. CR muna ako ha?

10:50AM - trabaho ulit

11:43AM - wiwi nanaman ulit, tapos diretso lunch na

1:39PM - back from wiwi break/lunch out at AMICI c/o Mac (Thanks Mac!)

1:56PM - CCR ako ulit hehe

2:02PM - trabaho ulit; boot from Windows to Linux (papalit-palit ako ng OS ngayon. Bakit kasi hindi pwedeng lahat ng kailangan ko nasa isang OS na lang? haha)

3:50PM - CR again :p

3:59PM - back at my desk, with a glass of water (na-dehydrate na ata ako kaka-ihi, hahaha!)

4:45PM - ay, naiihi nanaman ako haha!

4:51PM - back to work. At kailangan ko maghanap ng extension dahil magsesetup ako ng isa pang PC dito sa area ko para ma-test kung gagana yung network monitoring tool na inaaral ko. Dalawa lang outlet ko dito hehe. Tapos yung teammate ko (na itatago natin sa pangalang Chito) ayaw ako pahiramin ng extention nya, e wala naman nakasaksak haha! Ang damot.

5:35PM - wiwi nanaman, suri na ;)

5:40PM - back at my station. Pero dahil nag-uwian na mga ka-team ko, natatamad na 'ko magtrabaho. hehe. Bibihis na'ko dahil mag-stairclimb kami nila Jeric and Boks. At syempre hindi ko na yun ilalagay dito kasi ang post na ito ay tungkol sa pagwiwi (or pag-minor, if I am to use our mountaineers' lexicon, hehe!)

Orayt! bye for now ;)

No comments:

Post a Comment