Saturday, January 24, 2009

Ang Music Dahil Sa Internet

Eto nasa C5 naman ako nung naisip ko hehe!  Ano ba kaibahan ng C5 at EDSA? (singit lang) hehe.  Ang C5 pinapaasa ka dahil may part na ang bilis-bilis ng takbo ng traffic, kala mo tuloy-tuloy na.  Tapos biglaan, sisikip ng sobra-sobra na halos nakahinto na talaga ang sasakyan.  At maiisip mo na lang, "Oops, wrong mistake, false alarm."  Ang EDSA naman, it will take you there one step at a time, pasundot-sundot ang usad, dahan-dahan, hindi mabilis, pero hindi rin nakahinto.  Umaandar naman kahit pa'no.  Kailangan mo lang patience.  'Di ka masyado ma-eexcite kasi hindi talaga bibilis ng sobra ang takbo ng trapik.

Okay, hindi 'yan ang topic ng post ko.

Naisip ko lang:  mga pagkakaibang dala ng internet sa music noon (8-10 years ago) at ngayon

1. NOON pag gusto mo matutunan lyrics ng isang kanta, PLAY & PAUSE (naka-cassette tape ka man o medyo asenso na at naka-CD) tapos sulat ang line na nasagap mo habang nakikinig. Pag medyo mahina ang tainga, REWIND. Pag sa gitna ng isang line yung hindi naintindihan, REWIND + FAST FORWARD. NGAYON, type mo lang sa google, lyrics of title ng song, ok na, meron ka na, tama o mali man ang wordings. Save & print pa kung gusto mo.

BOTTOMLINE: mas masipag ang mga tao noon.

2. NOON pag gusto mo matutunan ang chords ng isang kanta, paulit-ulit mong pakikinggan at saka sisiprahin ang tugtog. Nagka-kalyo na ang daliri mo kakagitara pero ok lang, kasi dadating ang panahon, swak na ang chords. Parang pareho na yung pinakikinggan at tinutugtog mo. Yung mga hula at tsamba lang nung una, perfect na sa bandang huli. Tapos pag medyo mataas or mababa kaysa sa singing voice mo, manual transposition para masabayan mo ng pagkanta ang pagtugtog. NGAYON search ulit sa google, chords of title ng song, ok na. Kahit sablay yung mga nota/chords na naka-publish sa net, pagti-tyagaan mo na. May mga version-version pa para 'di mo na kaylangan mag-transpose. Tugtugin mo ang  pinakasakto sa taste mo.

BOTTOMLINE: mas magaling ang mga aspiring musicians/singers noon.

3. NOON pag may nagtanong sayo "alam mo yung kantang... maganda yun" at na-curious ka, titignan mo sa mga music shop kung may mabibili ka pang album, cassette man or CD. Pag meron at kasya sa budget, bibili ka. NGAYON, search mo lang sa Limewire, audio type title of song, madaming search results na pwede mong pagpilian. Hanapin mo lang kung ano dun yung kantang gusto mo (kasi nga naman, mga kanta ngayon pare-pareho na ng title). Walang hasel maghanap/maghagilap ng album, wala pang gastos kasi libre.

BOTTOMLINE: mas mayaman ang mga tao noon.

Hahaha! Wala lang. Nanggugulo nanaman ako.

ORAYT! I'M OUTTA HERE!

3 comments: